Proceeds of images, videos and the website itself will be used in fabricating customized bike racks. We initially plan to make 100 of these, so we can donate it to places where every biker needs it.
Saturday, November 1, 2014
Ang Pag-upo ng Magnanakaw
Ang Pag-upo ng Magnanakaw
by: JM Cruz
10/11/2014
Whatever your last name be, either galing ka sa mahirap or pamilya kayo ng mayayaman, you will be tested by politics. T*ngina, sinong pulitiko ang makakaharap sa bayan at magsasabing hindi siya nagnakaw. Yung tipong gagawa ng commercial na ang slogan ay "HINDI AKO MAGNANAKAW!" Wala pa akong nakikitang ganyan dahil lahat yan para sa akin ay at one point ay nagnakaw o patuloy na nagnanakaw (yes, I said it!). Piso man o bilyon ang usapan basta nang-umit ka ng hindi mo pera, magnanakaw ka. Greed will always be there because its human nature. Pulitiko ka man o ordinaryong tao. Kahit mahirap may naitatagong kaganidan sa katawan. Punyeta kung hindi ka payag, hindi ka tao. Ipokrito ka at huwag mo na ituloy ang pagbabasa.
Now the question is, sino ang iuupo mo para magnakaw sa iyo? This is a call for action kase kung ako ang papipiliin, yun lang taong sakto lang magnakaw pero maraming aksyon. Huwag na po tayong magpakaplastic sa mga makakabasa. Wala ka rin naman magagawa kung nakawan ka kase hindi mo nga alam dahil lahat ng bases covered ng mga magnanakaw pero dapat malaman nila na kahit walang nakatingin sa kanila ay huwag naman masyado sa kasakiman. Maraming nagugutom, sila ang nasa pwesto kaya dapat malaman nila na kailangan medyo hinay hinay lang sa pagnanakaw.
Corruption will not end in the Philippines and that is the sad f*ckin' reality. Gumising ka na. Huwag ka mawalan ng pagasa pero maging realistic ka. Kahit sino ang umupo sa pwesto, nanakawan ka lang nila.
Sasabihin mo na napakanegatibo naman ng outlook ko sa buhay. Bakit ko sinabi na ganito? Paano mo huhulihin ang mga magnanakaw kung ang mga manghuhuli ay magnanakaw din? May pulitikong magsasabi na "Kaya nating labanan ang corruption!" Pero lintek ang nagagandahang mamahalin at imported na SUV at naglalakihang property. Sino ba ang niloko ninyo? Sa liit ng sweldo ng isang pulitiko, asa naman na makakabili ka ng mga pinagbibili ninyo.
Hindi bulok ang sistema, bulok ang ugali ng tao. Kase ang sistema ay umaayon lamang sa nagpapatakbo nito. Maganda naman kahit papaano in fine print ang mga sistema at batas. Pero kapag nagkalagayan na at nagkanakawan ng pondo, doon na nasisira.
Sa totoo lang nalulungkot ako sa kinabukasan ng Pilipinas dahil lahat ng puwedeng pagnakawan ng pondo ay hinahalukay. Pondo para sa edukasyon at kalusugan ay hindi na rin pinapatawad. Pagkatapos ay magtatanong tayo kung bakit ang baba ng kalidad ng mga ito. Paano ba naman, ang perang dapat isususweldo at ipangaadvance ng kanilang mga talento tulad ng pangtraining at advanced studies ay kung hindi bawas ay kulang. Kung ako man ang propesyunal ay aalis na lang ako at maghahanap sa ibang bansa ng pagkakakitaan na ibubuhay ko sa aking sarili at pamilya. Ang mga competitive pupunta sa mga lugar na competitive din ang bigayan. May mga ilan na natitira pero napapaisip na rin kase ang kabayanihan nila ay hindi naman binibigyang importansya ng mga gahaman imbis ninanakawan pa sila.
Sa Pilipinas, ang akala ng mga tao ay utang ng loob natin sa mga pulitiko ang mga serbisyo na ating nakukuha. Dapat nating tandaan na pera natin ang lahat ng ito. Wala tayong utang ng loob sa mga iyan. Kung sino man ang magsasabi na pulitiko na they deserve the respect because they are in power kindly raise your middle finger to them. Sa mga korte at session siguro meron silang authority pero sa labas na akala mo kung sinong mga bigatin umasta sila dapat ang rumespeto sa mga tunay na amo. Tayo ang nagsusweldo sa mga yan, period.
So ibabalik ko ang tanong, sino ang iuupo mo? Mas komplikado nga ngayon ang choice kase dati public service performance lang. Ngayon kasama na rin kung nakakarami na ng ninakaw o sakto lang.
Ako? Wala pa akong napipili. Pero malamang yung mapipili ko ay hindi mananalo dahil wala masyadong perang para mapatakbo ang makinarya nila.
Alam ko na hahaba ito at aabot sa mga nagsisilbi sa gobyerno at mga pinatatamaan ko. Prove me wrong pero kung hindi naman tuloy ninyo lang ang ginagawa ninyo at huwag na lang sumabat. Life goes on na kunyari hindi mo nabasa ito.
Monday, August 18, 2014
"Kayo Ang Boss Ko"
Credits to http://peacefulwifephilippines.blogspot.com/ |
Matatapos na ang kanyang termino pero ano nga ba ang nangyari. Oo, dadaan talaga ang mga panahon ng kapalpakan at mga taong sisira sa iyo. Expected na yun Sir! May demokrasya pati sa mga demonyo sa Pilipinas. Nabawasan naman ang mga magnanakaw ng kaban ng bayan, naituwid ang kaunti at marami pa palang trabaho. Mukhang maganda naman ang track record mo at hindi pa inaatake dahil nagnakaw ka. Huwag ka masyadong proud, dapat lang naman talaga na hindi ka magnakaw. Ngayon at least kapag nagretire ka medyo mahihirapan ng kaunti ang papalit dahil mahihiya ng kaunti (kung meron man).
Don't get me wrong, hindi ako galit sa'yo pero hindi din naman ako impressed. Maraming opportunity ang iyong pamamalakad na tama lang naman. Kung wala, malamang marami ka na ginagawa na illegal panigurado. Ang dapat lang sigurong malaman ng lahat kung may legacy ka man na iiwan sa pamamalakad ay isang gobyernong nagsisimulang tanggalin ang putik sa mukha mula sa isang masalimuot na panggagahasa ng mga nakalipas na mga demonyo ng lipunan. Ok na yun. Hindi ka si Superman. 6 na taon lang ang power mo.
Maraming umaatake sa pamumuno mo mahal naming Ginoo, pero mas marami ang walang saysay. Marami pangsarili lang. Kung may babatikusin man ako sa'yo at sana ay huwag mong mamasamain ay ilan lang naman.
HEALTH CARE:
Hindi ko po naramdaman ang pagiging Boss ko dito. Hindi ko maramdaman ang kaunting kaginhawahan sa gitna ng karamdaman ko at ng mga mahal ko sa buhay. Di ko na babanggitin ang budget na yan dahil alam ko na ang usual na isasagot. Paano natin maitataas ang antas ng ating mga pampublikong pagamutan? Oo, may mga naitayo naman pero sa sobrang laki ng Pork Barrel ng mga pulitiko bakit po ganoon. Aaminin ko po na ignorante ako sa mga otorisadong gumastos ng pera na yan pero kayo po ang Pangulo. Kayo ang ama ng bayan na ito. Nasupil po ba natin? Habang ako po ay nakapila at nagmamakaawa sa pampublikong pagamutan para sa kagalingan ng aking mahal sa buhay, naisip ko po kung gaano ako kaliit. Hindi ko po naramdaman ang pagiging Boss ko.
EDUKASYON:
Uumpisahan ko na po ba ang magalit? Malaking porsyento ay mayaman lang po ang nakakapagaral ng masarap sa Pilipinas. Mula noon hanggang ngayon. Naakainis po na makakarining sa mga interview ng pamunuan ng edukasyon na kaya wala silang magawa ay dahil "walang pondo". Punyeta (hindi po ito para sa inyo, ekpresyon ko lang po ito)! Edukasyon po ang bubuo ng bansang ito. Kung magiinvest po sana tayo ay sana sa kinabukasan. Ang edukasyon ay para sa lahat. Oo, libre nga pero kalidad ba? Naisip ko po na napaka swerte ko pa pala dahil nabuhay ako noon. Paano naman po ang mga kabataan ngayon? Paano na ang mga magiging anak ng mga anak ko?
Dalawa lang po ang aking gustong i-raise sa inyo. Yung iba, pangkasalukuyan na problema lang yan. Pasensya na po kayo, sinusulat ko po kasi ito habang nakabantay ako dito sa isang pampublikong ospital sa aking ina. Susumahin ko na po... Pang-mayaman lang ang mabuhay sa Pilipinas ng matiwasay. Hindi pa po ako naghihirap pero tingin ko po ay aabutin ako ng aking kamatayan ng wala akong nararamdaman na kaginhawahan. Kahit gaano ka kasipag at kagaling. Ngayon paano naman ang iba? Ang iba na walang boses o kakayahan na magsulat ng ganito? Nakakalungkot.
Subscribe to:
Posts (Atom)