Proceeds of images, videos and the website itself will be used in fabricating customized bike racks. We initially plan to make 100 of these, so we can donate it to places where every biker needs it.

Monday, August 18, 2014

"Kayo Ang Boss Ko"

Credits to http://peacefulwifephilippines.blogspot.com/
"Kayo ang Boss ko", ang slogan na binitawan noong 2010. Sino nga ba ang kausap niya noong panahon na iyon. Maraming natuwa at nagkaroon ng pagasa sa kanyang mga tinuran. Ito na marahil ang isa sa mga kapanipaniwalang binitawan ng isang pulitiko na kakandidato. Pati ako kinilabutan na minsan lang mangyari sa akin. Hindi ako madaling mapaniwala, marami akong tanong pero nanalig din ako kahit hindi ko siya binoto. 

Matatapos na ang kanyang termino pero ano nga ba ang nangyari. Oo, dadaan talaga ang mga panahon ng kapalpakan at mga taong sisira sa iyo. Expected na yun Sir! May demokrasya pati sa mga demonyo sa Pilipinas. Nabawasan naman ang mga magnanakaw ng kaban ng bayan, naituwid ang kaunti at marami pa palang trabaho. Mukhang maganda naman ang track record mo at hindi pa inaatake dahil nagnakaw ka. Huwag ka masyadong proud, dapat lang naman talaga na hindi ka magnakaw. Ngayon at least kapag nagretire ka medyo mahihirapan ng kaunti ang papalit dahil mahihiya ng kaunti (kung meron man). 

Don't get me wrong, hindi ako galit sa'yo pero hindi din naman ako impressed. Maraming opportunity ang iyong pamamalakad na tama lang naman. Kung wala, malamang marami ka na ginagawa na illegal panigurado. Ang dapat lang sigurong malaman ng lahat kung may legacy ka man na iiwan sa pamamalakad ay isang gobyernong nagsisimulang tanggalin ang putik sa mukha mula sa isang masalimuot na panggagahasa ng mga nakalipas na mga demonyo ng lipunan. Ok na yun. Hindi ka si Superman. 6 na taon lang ang power mo. 

Maraming umaatake sa pamumuno mo mahal naming Ginoo, pero mas marami ang walang saysay. Marami pangsarili lang. Kung may babatikusin man ako sa'yo at sana ay huwag mong mamasamain ay ilan lang naman. 

HEALTH CARE: 

Hindi ko po naramdaman ang pagiging Boss ko dito. Hindi ko maramdaman ang kaunting kaginhawahan sa gitna ng karamdaman ko at ng mga mahal ko sa buhay. Di ko na babanggitin ang budget na yan dahil alam ko na ang usual na isasagot. Paano natin maitataas ang antas ng ating mga pampublikong pagamutan? Oo, may mga naitayo naman pero sa sobrang laki ng Pork Barrel ng mga pulitiko bakit po ganoon. Aaminin ko po na ignorante ako sa mga otorisadong gumastos ng pera na yan pero kayo po ang Pangulo. Kayo ang ama ng bayan na ito. Nasupil po ba natin? Habang ako po ay nakapila at nagmamakaawa sa pampublikong pagamutan para sa kagalingan ng aking mahal sa buhay, naisip ko po kung gaano ako kaliit. Hindi ko po naramdaman ang pagiging Boss ko. 

EDUKASYON:

Uumpisahan ko na po ba ang magalit? Malaking porsyento ay mayaman lang po ang nakakapagaral ng masarap sa Pilipinas. Mula noon hanggang ngayon. Naakainis po na makakarining sa mga interview ng pamunuan ng edukasyon na kaya wala silang magawa ay dahil "walang pondo". Punyeta (hindi po ito para sa inyo, ekpresyon ko lang po ito)! Edukasyon po ang bubuo ng bansang ito. Kung magiinvest po sana tayo ay sana sa kinabukasan. Ang edukasyon ay para sa lahat. Oo, libre nga pero kalidad ba? Naisip ko po na napaka swerte ko pa pala dahil nabuhay ako noon. Paano naman po ang mga kabataan ngayon? Paano na ang mga magiging anak ng mga anak ko? 

Dalawa lang po ang aking gustong i-raise sa inyo. Yung iba, pangkasalukuyan na problema lang yan. Pasensya na po kayo, sinusulat ko po kasi ito habang nakabantay ako dito sa isang pampublikong ospital sa aking ina. Susumahin ko na po... Pang-mayaman lang ang mabuhay sa Pilipinas ng matiwasay. Hindi pa po ako naghihirap pero tingin ko po ay aabutin ako ng aking kamatayan ng wala akong nararamdaman na kaginhawahan. Kahit gaano ka kasipag at kagaling. Ngayon paano naman ang iba? Ang iba na walang boses o kakayahan na magsulat ng ganito? Nakakalungkot.