Ang pag gawa ng BLOG ay hindi mahirap kelangan mo lang utak na mapaglaro. Hindi kelangan na palaging positive ang sasabihin mo, pwede din negative as long as hindi ka nakakasagasa ng tao. Alam nyo ba na ang negatibong bagay ay may positibong dulot? napaisip ka no. Hindi ko sasabihin sa inyo. Hahayaan kong mag laro ang utak nyo at makaisip ng malalim na bagay. Matatanda na tayo, maparated man yan, love story, action, comedy, drugs, music, body art o kahit ano basta may katuturan, pinaghirapan mo at hindi ka nahihiyang ishare sa ibang tao pasok na pasok ka sa pagiging isang "BLOGERO". Hindi kelangan palaging ingles ang isulat mo. Sundin mo ang nilalaman ng puso at isipan mo. Sabi nga ni Bob Ong isang magaling na writer, hindi kelangan palaging ingles ang isulat mo kung ordinaryong Pilipino ang babasa. Hindi ba't mas masarap magbasa pag tagalog dahil mas feel na feel mo ang isinasalaysay ng isang manunulat. Hindi sa lahat ng oras ay makakatanggap ka ng magandang komento, paulit ulit kong sinasabi na iba iba ang pananaw na tao. Parang pagkain lang yan, ung iba hindi kumakain ng tuyo dahil nangangati sila. Ganun din sa pag bablog, hindi lahat ng tao sasang-ayon sa opinyon mo, kaya nga tinawag na "opinyon" yan. There is no right and wrong. Maaaring may alam ka na hindi nila alam, at maaari din namang may alam sila na hindi mo alam. Paikot-ikot lang yan. Malakas ba ang loob mo na sumulat at hindi ka takot sa mga komento ng iba? Send your blog to kberjes@gmail.com and it will be posted on http://www.imbamanila.com and http://abbylicious.co.cc.
Hayaan mong ilabas mo ang iyong emosyon sa pamamagitan ng pagsusulat. 'Wag matakot.
No comments:
Post a Comment